Honestly, isa din ako sa mga ex girlfriends .
isa din ako sa mga babaeng nahirapan mag move on at mag let go sa taong minahal ko ng sobra.
Mahirap mag move on promise ! yung tipong susubukan mo mag mahal ng iba para lang makalimutan siya,
yung gagawin mong panakip butas ang isang tao kahit alam mong masasaktan mo lang siya,
yung mag boboyfriend ka para maipakita lang sa ex mo na ok kana at masaya kana?
sa mga babaeng nakakaranas ng gantong sitwasyon alam ko napakahirap para sa inyo ang mag move on.
lalo na pag sobrang mahal mo pa yung taong yun db,
pero di naman siguro TAMA na guluhin mo pa at pakelaman mo pa yung ex mo lalo na't alam mo na masaya na siya sa iba at my ibang nag mamay ari na sakanya ?
TAMA ba na ihack mo ang facebook account niya dahil gusto mo makiupdate sakanila ?
TAMA ba na awayin mo ang present girlfriend ng ex mo para mag hiwalay sila ?
at TAMA ba na mag bitaw ka ng mga bitter lines para lang mag mukang ok ka?
Alam ko ang pakiramdam na makitang masaya ang taong minahal ko sa piling ng iba.
Hindi lang naman ikaw yung ganyan ang sitwasyon. PINAGDAANAN KO NA YAN !
umabot pa nga sa point na naglalasing ako para lang makalimutan yung ex ko e,
tapos yung mga baliw kong kaibigan papaiyakin pa ako . nag iinuman kami pero tahimik lang ako tapos bigla nila papatugtugin yung kantang "Before i let you go" my gaaaaaaaaaadddd !! yung sinabi ko na
" Di nio ko mapapaiyak ! malakas ako" kinain ko lahat ! kasi talagang nakakasenti yung song e,humagulgol ako habang yakap ako ng isa kong kaibigan .lalo na pag yung lyrics nung song ay nasa part na ng chorus .
yung tipong " BEFORE ILET YOU GO, I WANT TO SAY ILOVEYOU" yung lyrics bigla na lalakas pag iyak ko niyan.
hahays awang-awa ako sa sarili ko nun.
pero masasabi ko na talagang nakatulong saking ang alak ng mga oras na broken hearted ako.
Tama sila ! di naman porke nag lalasing ka e makakalimutan mo na yung mahal mo,
kasi pag gising mo kinabukasan anjan pa din yung sakit at memories pero nakatulong sakin yung alak para mag karuon ako ng lakas ng luob mailabas yung sakit at lahat ng hinanakit ko sa mundo .
Pasalamat nalang ako at kasama ko ng mga oras na yun ang mga kaibigan ko na kahit sablay minsan kung mag advice e di naman ako iniwan at pinabayaan.
dumating sa point na kinukuwestyon ko na si GOD . kung bakit ba ganto, kung pinagbabayaran ko na ba yung mga kasalanan ko nuon at bakit sa taong mahal ko pa.
pero there's a good thing naman na nangyari after that :) making me realized na sa buhay, my tao talagang nakalaan para sa atin,
Siguro hinayaan ni god na makilala natin yunga maling tao to teach us a lesson.
para kung sakaling dumating na yung taong inilaan niya para sa atin . HANDA NA TAYO :)
just accept the fact na my dadating pa na much better at more deserving kaya inilalayo tayo ni god sa maling tao._
tulad ko :) kung hindi kami nag hiwalay ng ex ko diko makikilala ngayon ang taong minamahal ko, hehe
nag hiwalay man kami nuon ng ex ko, my dumating naman na mas
higit pa at mas mamahalin ko pa ng sobra.
pag alam mong masaya na ang taong mahal mo sa piling ng iba. wag mo na sila guluhin pa . wag mo na pakelaman . wag mo na subukan pang sirain sila .
kung ikaw nasa sitwasyon ?
kung guguluhin m sila,
matutuwa kba na makitang malungkot ang mahal m dahil sayo ?
diba hindi ?
_
PARA TO SA EX NG MAHAL KO :)