Ako yung tipo ng tao na kahit gaano pa kalate matulog, nagigising pa rin ng maaga.
Ako rin yung tipo ng tao na kapag nagising na, natutulog ulit. damn it. hehe
Making me realized na sa buhay, hindi naman talaga mahirap magising sa katotohanan, ang minsang mas mahirap eh yung bumangon mula sa minsan rin na naging mapait na katotohanan. (nosebleed)
No choice, Bumangon ako, Hinanap yung hinayupak na Alarm clock para patayin. Sa tingin ko nga, kung may buhay lang talga ang mga alarm clock, marami ng tao sa mundo ang kriminal ngayon.
Making me realized again, na minsan kung sino pa yung tao na madalas tumulong sayo na magising , madalas sila pa yung masama sa paningin natin, at madalas, sa kanila pa tayo nagagalit.
sa picture kong to' kita sa aking muka ang bakas ng nakalipas . puyaat kasi ako kagabi kaya sobrang laki ng eyebagers ko hehe.
Tumingin ako sa oras, tapos napamura ako, sabi ko "Damn. Im so late!" wala lang. makapag english lang sa umaga.hehe
Relizing na, hindi ka hihintayin ng oras at ng panahon. Move! kasi kung hindi ka gagalaw, mapag iiwanan ka
Nagmadali ako pumunta sa banyo para maligo, binuksan yung gripo, ang lamig ampota! Kinuha yung tabo, Natakot magbuhos! Nag isip muna kung saan ba uunahin paa o ulo, after ten minutes. Nakapag decide,. Nagbuhos, gininaw. brrrr. nagbuhos ulit, tapos nagbuhos ulit. tapos nagpunas na ng twalya? hahaha.tatlong buhos lang tapos na? di na nagsabon? haha
Reminded me , na kapag may isang bagay akong natatakot gawin, dapat tandaan ko na , always, yung first try ang pinaka mahirap, The rest sisiw na.
Nagbihis ng pampasok, nagsipilyo. Tumingin sa salamin.
Making me realized , Damn ang ganda ko talaga. hahaha.
Umalis na ng bahay, sumakay sa jeep, nagbayad ng pamasahe, tapos yung katabi ko sabi " Bayaaaaaddd" (with feelings pa pagkakasabi!) awwwwtss, ukinam! ang bango ng morning breath,
Dun ko lang napagtanto na, Mahalaga pala talaga ang lahat ng lumalabas sa bibig, kaya panatilihing mabango. Kung walang magandang masasabi, mas mabuting manahimik ka na lang, Sa simula kapag ikaw yung madalas nagsasabi ng masasakit at di magagandang bagay, in the end ikaw din yung mabahong hininga.
Pumasok sa school, sobrang sipag, hindi nagpapahinga, hindi man lang umupo. sobrang busy hindi na nagmeryenda.. nagpakatoxic. nag over time. ginawa na rin yung project ng kasama. pati assignment ng hindi kasama ginawa na rin. Joke lang.. hehe baka maniwala kayo ah . hehe
Paminsan minsan, Hindi naman masama ang magkamali. Ang masama eh yung alam mo na ngang mali, ginawa mo pa rin.
Nakarating sa bahay, nagpahinga ng konti, tapos naligo na, Yung maraming maraming buhos na, ska nagsabon na, saka nagshampoo na,
Wala lang gusto ko lang, may angal?
At the end of the day, I learned one very important lesson
Kahit gaano man kasarap matulog, best memories ay hindi yung time na natutulog tayo, Kundi yung mga time na we spent awake. :)