Biyernes, Marso 20, 2015

Hi Mahal ko

                   
                   Alam ni god kung gaano ako ka thankful sa kanya dahil ikaw ang ibinigay niya sakin :)minsan di ko maiparamdam sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano ka kaimportante sakin..all those years na magkasama tayo di ka nag sawa na intindihin yung kakaiba kong ugali hehe ;)mahal salamat sa lahat-lahat. Di ko alam kung talagang napakatino mo pag dating sa babae o sadyang magaling ka magtago hehe, ni minsan kasi di kita inaway ng dahil sa nambabae ka eh kahit anung gawin ko naman kasi wala akong mahuli sayo ^^ and napakablessed ko dahil di mo ako pinagpapalit sa kahit sinong mas maganda diyan.

                3months and 7 days na si baby, ilang months nalang makikita nanatin siya. 2years din bago siya nabuo at siyempre nagkatotoo yang hula mo haha . Sobra akong naeexcite na makita at mahawakan siya, ganun din ba yung nararamdaman mo ? siguro na sstress kana ngayon :( dahil dami natin problema, Bahay, kasal, panganganak ko pa, sori mahal kung di kita masasabayan mag ipon huminto kasi ako sa work ko :'( naguiguilty tuloy ako dahil sayo lahat yung bagsak ng problema natin, gusto kita yakapin ng sobrang higpit dahil di mo ako pinabayaan, at anjan ka pa din laging positive sa mga mangyayari. Kaya natin yan mahal :) kakayanin natin yan, tulad ng sabi mo wag ako bibitiw sayo at wag akong lalayo, dito lang ako mahal di kita iiwan kahit anung hirap pa yan.

         Sorry kung minsan muntik muntikan na ako sumuko at bumitaw, pero kita mo naman andito pa din ako dahil anjan ka na laging umaagapay sakin kahit lagi kitang inaaway, hehe pasensya na sayo yata ako nag lilihi mahal :D sana lalaki yung 1st baby natin para my kasakasama kana magbasketball, wag na dota ha.
        your the greatest gift from god, and sobrang proud ako na ikaw yung daddy ng magiging baby ko. gwapo na sobrang bait pa, hahays bakit kasi ngayun lng kita nakilala e di sana di na ako nag kamali nuon pa. natatandaan mo pa ba nuon? yung sa twing niyayaya mo ako mag date at sahod days mo? pakiramdam ko nun nauubos sahod mo ng dahil sakin, pansin ko kasi umaabot ng 1thousand yung date natin haha. kahit di na ganun ka expensive yung date natin ngayon mas ramdam ko naman yung effort mo na kahit wala ka ng sahod ibibili mo ako ng siopao sa 7eleven dahil yun yung gusto ko kainin, hirap maglihi sobra ! grabe ! pakiramdam ko mababaliw ako pag di ko nakain yung pag kain na gusto ko.. yung pumasok tayo ng jollibee tapus pinapipili mo ako kung anu gusto kong sundae tapos yung hamburger na binili mo na dapat sayo isinubo mo ng isinubo sakin tapos bigla m sasabihin na ang takaw ko, bunilan mo pa ako ng prutas bago tayo umuwi kahit wala ka ng pera .. yung valentines day na nasa work ka at closing pa schead mo, kahit malapit na mag 12midnight pumunta ka pa rin sa bahay para dalan ako ng orange hehe at napakasaya ko nun mahal :)


        SOBRANG SAYA KO DAHIL IKAW DEMSY POSADAS ANG MINAHAL KO NG GANITO, PALAGI MAN AKONG GALIT SANA AY INTINDIHIN MO NALANG, ILOVEYOU MAHAL..